Biyernes, Marso 13, 2015

Kadalasan kapag ka ikaw ay magaling o nakahiligang gumuhit, ang kinukuha mong kurso ay arkitektura o fine arts kasi para sa iyo komportable at ganado kang gawin ang lahat na pinapagawa ng propesor mo. Pinili ko arkitektura, di naman ko magaling gumuhit, nakahiligan ko lang kaya sinubukan ko ito.
Ano na ba ang ibig sabihin ng Arkitektura?
Ang arkitektura ay ang sining at agham ng pagdidibuho ng mga gusali. Sa isang malawak na kahulugan, mula sa mataas na antas ng pagpapaplano ng bayandibuhong urbano, at arkitekturang pantanawin hanggang sa mababang antas ng pagdibuho ng kasangkapan o produkto, at kabilang sa sakop nito ang pagdibuho ng kabuuan ng ginawa o kinathang kapaligiran.


   Ang sining o siyensiya ng pagtatayo. Ipinakikita ng Bibliya na sa pasimula pa lamang ng kasaysayan ng tao, sa loob ng 1,656 na taon bago ang Baha noong mga araw ni Noe, mayroon nang iba’t ibang uri ng tahanan at kaugalian sa pananahanan. Matapos paslangin ni Cain si Abel, sinasabing siya ay “nanahanan” sa isang partikular na dako, at doon ay “nagpakaabala siya sa pagtatayo ng isang lunsod.” (Gen 4:16, 17) Gayunman, ang isa sa kaniyang mga inapo, si Jabal, ang naging ‘tagapagpasimula ng mga tumatahan sa mga tolda at ng mga may alagang hayop.’ Ang isa naman ay naging “panday ng bawat uri ng kasangkapang tanso at bakal.” (Gen 4:20, 22) Pagsapit ng Baha, o bago pa nito, naglaho na ang mga inapo ni Cain, ngunit ang kakayahan sa pagtatayo at sa paggamit ng mga kasangkapan ay hindi naglahong kasama nila.
Mga inapo ni Set ang gumawa ng natatanging proyekto ng pagtatayo noong panahon bago ang Baha: ang arka na itinayo ni Noe at ng kaniyang mga anak. Bagaman ang Diyos ang nagbigay ng mga saligang plano at mga sukat nito, tiyak na may kakayahan din si Noe sa arkitektura bilang ang taong nangasiwa sa gawain. Ang arka ay may haba na 300 siko, may lapad na 50 siko, at may taas na 30 siko (133.5 m × 22.3 m × 13.4 m; 437 piye 6 na pulgada × 72 piye 11 pulgada × 43 piye 9 na pulgada). Maaaring mga 0.9 ektarya (2.2 akre) ang kabuuang lawak ng mga sahig nito. Dahil mayroon itong tatlong palapag at malapad na bubong, malamang na bukod sa pagkakaroon nito ng “mga silid” na dibisyon ay kinailangan din ang paggamit ng kahoy na mga haligi at mga biga upang suhayan ang bigat nito at upang patatagin nang husto ang istraktura. Bagaman tinapalan ng alkitran ang arka, tiyak na kinailangan ding paglapat-lapatin nang husto ang mga tabla upang matiyak na hindi ito papasukin ng tubig.

                                             Mga Halimbawa ng mga sikat na Struktura


  The Pyramids of Giza in Egypt
Ang mga piramide ng Ehipto ay sinaunang mga hugis-piramideng mga kayariang gawa sa bato na nasaEhipto. Mayroong 138 mga piramideng natagpuan sa Ehipto mula noong 2008.[1][2] Karamihan sa mga ito ang ginawa bilang mga libingan ng mga Paraon ng bansa at ng kanilang mga konsorte noong mga panahon ngLuma at Gitnang Kaharian ng EhiptoAng Piramide na ito ay dinisenyo ng arkitektong si Imhotep.




 The Eiffel Tower in Paris, France
Toreng Eiffel ay isang toreng bakal na itinayo sa Champ de Marssa tabi ng Ilog Sena sa Paris. Naging isang sagisag na pagkakakilanlang pandaigdig ito ng Pransiya at isa sa mga tanyag na gusali sa mundo. Isa rin ito sa mga pinakamataas na tore sa buong mundo. Simbolo ito ng atraksiyong panturista, dayuhan man o mula rin sa Pransiya. Ang nagdisenyo nito ay si Gustave Eiffel.



 The Taj Mahal in Agra, India
Ang Tāj Mahal ang pangalan ng isang bantayog na matatagpuan sa Āgrā, Indiya. Ipinatayo ito ng emperador na Mughal na si Shah Jahan, anak ni Jahangir, bilang mausoleum para sa kaniyang Persian na asawang si Arjumand Banu Begum, kilala rin bilang Mumtaoz-ul-Zamani o Mumtaz Mahal. Nagtagal ang 23 taon ang paggawa nito (mula 1630 hanggang 1653) at tinuturing ito bilang obra maestra ng arkitekturang Mughal.


Ngayon may ideya na kayo sa ibig sabihin at mga halimbawa ng mga sikat na strucktura at ang masasabi ko lang na ang pagpasok sa kursong arkitektura ay di basta-basta, sa unang taon ng pag-aaral marami ang nag eenrol pero habang tumatagal nababawasan ang mga estudyante, hanggang sa matira ang matibay. Kasi habang tumatagal ang mga subject ay pahirap ng pahirap at ito’y di basta-basta dahil kailangan mong pag-aralan araw-araw lalong lalo na ang math. Sahighschool kaya mong baliwalain ang mga tanong na binibigay ng guro mo, subalit sa kolehiyo lalo pa kapag napasok ka sa kursong pang enhinyero ang itatanong ngayon at kinabukasan ay may kinalaman sa kahapon na tanong. Kung makakalimotan mong pag-aralan siguradong mahuhuli ka at mawawala ka sa konsentrasyon mo, kasi sunod-sunod ang pagtatalakayan sa klase.
Ako man ay nahirapan dati sa pag-aaral di naman ako magaling sa math katunayan ilang beses din akong bumagsak sa isang subject sa math. Aaminin ko naging pabaya ako noon, pero naisip ko kung magpapabaya na lang ako parati di ko matatapos ang kursong arkitektura.
Pinagbigyan ako ng mga magulang ko na ito ang kukunin kong kurso, kahit na maghirap pa sila basta masaya ako sa kinukuha ko, kaya di ko sila dapat bibiguin. ang sabi ko sa sarili ko.
Sa kabutihang palad natapos ko ang kurso at ngayon nagtatrabaho sa larangan ng arkitektura upang maging handa sa architectural licensure exam at sa pagiging isang arkitek na magpapabago ng kinabukasan. Sa susunod na taon ko naisipang kumuha ng exam.
Sa panahon ngayon balitang-balita sa buong mundo na ang arkitektura ang  may pinakamagandang kurso at pinakakailangan sa halos lahat ng bansang umuunlad. Dahil, umaakit ito ng mga turista, kapag ka marami ang turista, maramin ding gustong magtayo ng mga negosyo, at kapag marami ang negosyo, marami ang nagkaroon ng trabaho, pag may trabaho, di kailangang mangibang bansa, at ang bansa natin ay uunlad.
Dito sa Pinas ang arkitektura ay kilala na rin ng madla dahil sa kakayahan nitong baguhin ang pisikal na anyo ng isang lugar tungo sa magandang kinabukasan. Ang maganda pa nito ang arkitektura ay nag-iiwan ng panghabang-buhay na kaalaman.












Walang komento:

Mag-post ng isang Komento